1 sa 10 kumpirmadong COVID-19 case sa PH nagmula sa Marikina —mayor

0
17

Nakapagtala na rin ang Marikina City ng isang kaso ng 2019 coronavirus disease (COVID-19).

Ito ay batay sa impormasyong inilabas ni Marikina Mayor Marcelino Teodoro kung saan isa aniyang 86-anyos na lalaki ang na bumiyahe sa South Korea kamakailan lamang.

Sa ngayon, ipinag-utos na naman ni Teodoro ang malawakang disinfection sa mga pampublikong lugar sa Marikina at mas pinaigting pang protocols para mapigilan ang pagkalat ng virus.

Gayunman, nilinaw naman ni Teodoro na kabilang ang nasabing pasyente sa napaulat na 10 kaso ng COVID-19 sa Pilipinas. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)