Sunday, May 5, 2024

COVID-19 death toll halos 4,000 na

- Advertisement -

Umakyat na sa halos 4,000 ang bilang ng mga nasawi dahil sa 2019 coronavirus disease (COVID-19) sa buong mundo.

Ito ay batay sa pinakahuling tala ng World Health Organization (WHO) kung saan sumampa na sa kabuuang 3,827 ang bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19.

Sa nabanggit na bilang, 3,119 dito ang naitala sa China, habang 708 naman ang naitala sa iba pang panig ng mundo.

Nangunguna pa rin naman ang Italy sa mga bansang nakapagtala ng may mataas na bilang ng pagkasawi sa labas ng China.

Sa ngayon, nasa 100,000 na ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img