Saturday, May 18, 2024

1-M pabuya para sa mga suspek sa pagpatay sa pulis sa Negros Oriental alok ni Pangulong Duterte

- Advertisement -

Nag-alok na ng isa milyong pisong pabuya si Pangulong Rodrigo Duterte para sa makapagtuturo o makakahuli ng salarin sa pagpatay sa apat na pulis sa Negros Oriental.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ibibigay ang isang milyong piso para sa mabilis na pagkakadakip sa utak at gumawa ng pananambang sa mga biktimang pulis, patay man o buhay.

Habang, naglaan naman ng 50,000 pisong pabuya para naman sa makakahuli sa lahat ng kasabwat sa krimen.

Kaugnay nito, mariing kinondena ng Malakanyang ang krimen at tiniyak na bibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng apat na pulis.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -