Locsin itinalaga bilang susunod na DFA Secretary
October 12, 2018
Villar nangunguna sa senatorial survey — SWS
October 12, 2018

UN secretary-general aminadong alarming ang problema sa iligal na droga

UN secretary-general aminadong alarming ang problema sa iligal na droga

Aminado ang United Nations (UN) na nakakabahala ang problema sa iligal na droga sa buong mundo.

Ayon kay UN Secretary-General Antonio Guterres, panahon na para kumilos ang buong mundo laban sa paglaganap ng ipinagbabawal na gamot.

Sinabi pa ni Guterres na ang drug addiction ay hindi lamang banta sa seguridad para sa iba kundi ito ay personal din na laban dahil hindi aniya ito “abstract” na isyu lamang.

Base din umano sa sitwasyon ng iligal na droga sa buong mundo 450,000 katao ang namamatay kada taon dahil sa overdose o drug related issues habang 31 million katao sa buong mundo ang kailangang sumailalim sa drug addiction treatment.

Batay din sa tala, mas mataas umano ang produksyon ng opium at cocaine manufacturing sa buong mundo.

(with report from Jopel Pelenio)

Comments are closed.