33.5 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Presyo ng ilang Noche Buena items tumaas na

- Advertisement -

Nagsimula nang tumaas ang presyo ng Noche Buena items ilang linggo bago mag-Pasko.

Ayon sa Philippine Amalgamated Supermarkets Association Inc. at Department of Trade and Industry (DTI), aabot sa 10 porsyento ang itinaas sa presyo ng ilang brand ng processed meat at sandwich spread products sa mga pamilihan.

Kasama na rito ang presyo ng hamon na isa sa mga pangunahing inihahanda tuwing  Pasko na tumaas din ng 10 porsyento habang ang ilan pang produkto ay tumaas ng hanggang 12 porsyento.

Naitala rin ang paggalaw sa presyo ng all-purpose cream, tomato sauce at spaghetti noodles.

Pagtitiyak naman ni Steven Cua, Presidente ng Philippine Amalgamated Supermarkets Association Inc. na inaasahang hindi na tataas ang presyo ng grocery items sa susunod na buwan dahil sapat naman ang supply para sa Kapaskuhan.

Ngayong Disyembre, nakatakdang maglabas ng bagong listahan ng suggested retail price (SRP) ng mga pangunahing bilihin ang DTI.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -