36.1 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Police Huli sa Buybust Operation ng PDEA Region XI

- Advertisement -

Davao City— Huli sa buybust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency at Kapolisan ang isang Police Officer na na-assign sa Regional Personnel Holding and Accounnting Office ng Police Regional Police Ofice XI. Naka uniporme pa ang Police na si PO1 Quiroben Cris John Ferido, 30 taong gulang na nakatira sa Barangay Mankilam, Tagum City nang ito ay mahuli sa Buybust operation.

Napag alaman na agad itong hinuli nang  aktong ibigay nito ang isang sachet na pinaghihinalaang Shabu sa poseur- buyer na nagkakahalaga ng tatlong libong piso.

Kinomperma naman ni PRO XI Regional Director Chief Superentendent Marcelo Morales sa isang Press Conference na nagging pasaway na si Ferido dahil mula sa Regional Training School, ibinalik ito sa RTU o Return to Unit dahil nahuhuli umano ito na naglalasing habang nasa training school hanggang sa nailipat uli ito sa RPHAO at nahaharap sa imbistigasyon.

Naaresto si Ferido dahil sa nakuhang impormasyon sa Talomo Police Station mula sa mga nahuling mga drug personalities na kung saan ikinanta ng mga ito na ang police ang kanilang supplier ng illegal na droga. Kaagad naming nagsagawa ng surveillance ang mismong hepe ng Talomo PNP na si Major Ronald Lao.

Ayopn kay General Morales na kanilang  ikinonsiderang High Value Target si Ferido subalit dahil hindi naman raw ito matatawag na ninja cop dahil hindi pa naman daw ito nakatapos pa sa kanyang training. Ang Ninja Cop umano ay yaong mga dating police na matagal nang nag ooperate sa Illegal na Droga.

Sa ngayon, kakaharapin ni Ferido ang dismissal proceedings ng PNP maliban pa sa kasong criminal na isasampa ng polisya laban kay Ferido.

 

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -