Pangulong Duterte wala pang naitatalaga na anti red tape czar

Pangulong Duterte wala pang naitatalaga na anti red tape czar

by Powered by DWIZ
94 views

Wala pang naitatalaga si Pangulong Rodrigo Duterte na anti red tape czar.

Ito ayon kahit May 2019 pa nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Ease of doing Business Law na naglalayong labanan ang red tape o korupsyon sa gobyerno.

Sinabi ni ARTA o Anti Red Tape Authority Officer in Charge Deputy Director General Ernesto Perez na wala namang abiso ang Office of the President kung wala pang naitatalagang permanenteng anti red tape czar.

Gayunman, tiniyak ni Perez na natutugunan naman ng kanilang hanay ang reklamo sa iba’t ibang ahensya kahit wala pang ARTA chief.

0 comment

Related Posts