P25 minimum wage tiwalang makakatulong sa mga manggagawa sa NCR — Palasyo

by Powered by DWIZ
0 comment
P25 minimum wage tiwalang makakatulong sa mga manggagawa sa NCR — Palasyo

Tiwala ang Malakanyang na makatutulong sa araw-araw na gastusin ang P25 dagdag sahod sa mga manggagawa sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, iginagalang nila ang inaprubahang minimum wage increase ng wage board.

Gayunman sinabi ni Panelo na posible pang madagdagan ito depende sa magiging takbo ng ekonomiya ng bansa sa mga susunod na buwan.

Una rito, P334 ang inihirit na dagdag sahod ng labor groups ngunit P20 lamang ang alok ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP).

Related Posts