33.5 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Nadine Lustre umaasang makakasama si Angel Locsin sa pelikula

- Advertisement -

Hindi maitago ng young actress na si Nadine Lustre ang excitement nang sumagot si Angel Locsin sa kanyang hiling na makasama ito sa isang proyekto.

Ayon kay Nadine, magiging sobrang saya niya kung sakaling matuloy ngang makasama niya sa isang pelikula si Angel.

Aniya, ibang level na kasi kung si Angel ang makakasama.

Una rito tumugon si Angel sa naging pahayag ni Nadine sa isang TV interview na isa sa kanyang kahilingan ang makasama sa pelikula ang aktres.

Sinabi ni Angel, nais niya rin makasama si Nadine sa isang proyekto na action ang tema.

Sa ngayon bukod sa kanyang solo film project na may titulong Ulan, si Nadine rin ang napili bilang pinakabagong model ng isang fashion brand para sa bathing suit collection.

Nagsimula na rin si Nadine sa kanyang susunod na proyekto, ito ay ang isang dance movie na may titulong Indak.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -