Tuesday, May 7, 2024

US Navy at US Coast Guard dumaan sa pinagtatalunang Taiwan Strait

- Advertisement -

Muling naglayag sa Taiwan Strait ang barko ng US Navy at US Coast Guard nitong Linggo.

Ito ay sa gitna ng mahigpit na pagtutol ng China sa mas madalas na pagdaan at aktibidad ng mga barko ng Estados Unidos sa nasabing bahagi ng Taiwan.

Sa ipinalabas na pahayag ng US Military, kanilang iginiit na pagpapakita ng kanilang commitment na matiyak na malaya at bukas para sa lahat ng bansa ang Indo -Pacific ang pagdaan ng Navy Curtis Wilbur Destroyer at Coast Guard Bertholf sa Taiwan Strait.

Magpapatuloy din aniya ang paglipad, paglalayag at pag-operate ng Amerika sa mga lugar na pinapayagan ng international law.

Samantala, walang pang ipinalalabas na pahayag ngayon ang China hinggil sa naging aktibidad ng mga barko ng Amerika.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img