33.2 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Mayor- elect Zyrex Pacqiuao ng Maasim pormal ng nanumpa sa harap ni Gov. Solon kahapon

- Advertisement -

Pormal ng nanumpa sa harap ni Gov. Steve Chiongbian Solon si Maasim mayor elect Zyrex Pacquiao kahapon sa sa loob mismo ng Maasim municipal session hall. Kasama ang mga konsehal na sina Kag. Lanticse Margarito, kag. Albores fortunate Jr. Gomez Eddie, Macabangon Marlon,Carnalna Francisco,Mabongan Aldwin, Pelipas Jose Ricky, Ambrad Aldrick at ang kanyang bise mayor na si  Visitacion Nambatac. Ayon kay Governor steve Chiongbian Solon na masaya siya sa nakitang suporta ng taong bayan na dumalo sa kanilang oath taking.  Dagdag pa ni Gov. Solon na iisa lang diumano ang nasa isip nila ng kanyang mga kapartidong nanalo sa huling eleksiyon at yon ay ang pag sisimula na kaagad sa trabaho na walang sasayangin na panahon hanggang sa huling araw ng kanilang panunungkulan bilang mga public servant. Hindi diumano nila kakalimutan ang kanilang mga naging pangako sa taong bayan. Samantala kinumpirma naman ni Gov. Solon na makasabay ang ginawang oath taking ng Maasim at Kiamba habang susunod naman ang iba pang mga munisipyo. Napag alamang si Mayor Zyrex Pacquiao ay ang unang pinaka batang mayor na naihalal sa lungsod ng Maasim.

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -