LRT-2 trains posible pang madagdagan — LRTA spox

LRT-2 trains posible pang madagdagan — LRTA spox

by Powered by DWIZ
0 comment 19 views

Maari pang madagdagan ang bilang ng mga bumibiyaheng tren sa LRT-2 sa susunod na mga araw.

Ayon kay Light Rail Transit Authority (LRTA) Spokesperson Atty. Hernando Cabrera, masusi na nilang pinag-aaralan ang pagdadagdag ng isa hanggang dalawang tren.

Aniya, kabilang din sa kanilang ikinukunsidera ang posibilidad na gawing 5 a.m. ang simula ng biyahe ng mga tren.

Gayunman, mananatili pa rin namang limitado mula Recto hanggang Cubao Station at pabalik ang operasyon ng LRT-2.

0 comment

Related Posts