LA Lakers hindi na pagmumultahin si Rondo

by Powered by DWIZ
0 comment
LA Lakers hindi na pagmumultahin si Rondo

Hindi pagmumultahin o didisiplinahin ng Los Angeles Lakers ang point guard nitong si Rajon Rondo sa inasal sa huling minuto ng laban sa Denver Nuggets nuong Miyerkules ng gabi.

Ito ang nabatid ng ESPN mula sa sources matapos ang ginawang pagpapaalis ni Rondo sa isang fan sa courtside kung saan siya umupo.

Matapos makipagpulong kina Lakers President Magic Johnson at General Manager Rob Pelinka hinggil sa isyu sinabi ni Rondo na ipinaalam sa kaniya ng mga itong batas sa liga na hindi siya dapat umupo duon at hindi naman aniya siya aware sa ganun.

Subalit ngayon aniya ay alam na aniya bagama’t inihayag nitong ilang beswes na siyang umuupo kahit saan sa mga nakalipas na laro nila.

Ayon kay Rondo, pinalaki lamang ang isyu.

Related Posts