Radio Philippines Network
Headlines National News

Dooc dumipensa sa mga batikos

Mariing itinanggi ni outgoing SSS o Social Security System President Emmanuel Dooc ang mga ikinakabit na kontrobersiya laban sa kanya kasabay ng kanyang pormal na pagbibitiw sa puwesto.

Ayon kay Dooc, napatunayan na sa isinagawang imbestigasyon ng SSS commission na walang katotohan ang lumabas na isyu hinggil sa investment ng ahensiya.

Ito aniya ay bagama’t may nakasampang kaso sa tanggapan ng Ombudsman hinggil sa usapin, hindi naman aniya siya kasama rito.

Pinabulaanan din ni Dooc ang alegasyong bumaba ang koleksyon ng sss sa ilalim ng kanyang pamumuno.

Una nang nilinaw ni Dooc na ang kanyang pagbibitiw bilang pinuno ng sss ay kasunod ng pagsasabatas sa SSS Rationalization Law na nagsasaad naman ang pagbuo ng panibagong komisyon.

Sa maiksing panahon na ako’y nakaupo, taun-taong lumakas ang ating koleksyon. In fact, last year was the highest ever in the history of SSS. Nakalikom tayo ng 181 billion pesos. Pahayag ni Dooc

Related posts

Bentahan ng bulaklak sa Dangwa matumal pa rin

Powered by DWIZ

DPWH nai-turnover na sa PNP Medical Corps ang PICC forum halls

Powered by DWIZ

Mga reklamo na natatanggap ng ERC hinggil sa mataas na singil sa kuryente pumalo na sa 50k

Powered by DWIZ