Iriga: Mandatory vaccination isasagawa sa mga mag-aaral na sasabay sa face to face classes- CHED Bicol

0
152

Legazpi City – Inihayag ng Commission on Higher Education (CHED) Bicol, na mandatory ang vaccination sa mga mag-aaral na sasabay sa mga face-to-face classes na magaganap sa rehiyon.

Visit RPN DZKI Iriga

Sa panayam kay Education Supervisor II Dr. Ma. Pamela Viñas, ayon sa Joint Memorandum Circular (JMC) ng CHED at DOH mandatory ang vaccination sa mga mag-aaral kung ang mga ito ay sasabay sa face-to-face classes.

Samantala, ang mga hindi naman aniya bakunado ay mapapasama sa flexible learning o ang online at modular classes.

Dagdag pa niya, noong nakaraang taon ay 90% ang target ng Komisyon na mabakunahan ngunit nasa 60% pa lamang ang rehiyon, at nahuhuli aniya ang Bicol kung ikukumpara sa ibang mga rehiyon sa bansa.

(Source: Bicol News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here