29.7 C
Manila
Tuesday, March 19, 2024

Grupo ng mga pribadong ospital nagbantang kumalas sa PhilHealth

- Advertisement -

Nagbanta ang grupo ng mga pribadong ospital ng posibilidad na mapilitan silang kumalas sa PhilHealth.

Ayon kay Private Hospital Association of the Philippines President Dr. Rustico Jimenez, ito ay dahil sa napakalaking utang ng PhilHealth sa mga pribadong ospital na aabot sa lima hanggang anim na bilyong piso simula pa noong 2011.

Sinabi ni Jimenez, tanging binabayaran lamang ng PhilHealth sa ngayon ay ang kanilang utang sa kasalukuyang taon.

Dagdag pa ni Jimenez, malabo ring makapagbayad sa ngayon ang PhilHealth dahil batay na rin sa naging pagdinig ng Senado, lumabas na lugi pa ang ahensiya ng siyam na bilyong piso.

Babala pa ni Jimenez, sakaling tuluyan nang kumalas ang mga pribadong ospital sa PhilHealth, maniningil na ang mga ito ng buo at walang diskuwento sa kanilang mga pasyente.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -