36.1 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Hirit na hindi pagpapatupad ng P10 taas pasahe sa jeep inalmahan

- Advertisement -

Umalma ang grupo ng jeepney operators sa mga panawagang huwag nang ipatupad ang sampung pisong (P10) bagong minimum na pasahe sa jeepney.

Ayon kay Zenaida Maranan, Pangulo ng FEJODAP, halos trenta pesos (P30) lamang ang diesel noong ibigay sa kanila ang naunang piso na provisional increase sa pasahe kaya’t naging nueve pesos (P9) ang minimum fare.

Sa ngayon aniya ay nasa 44 pesos na ang kada litro ng diesel kaya’t hindi makatarungan na bawiin pa ang ibinigay sa kanilang permanent minimum fare na sampung piso (P10).

Sinabi ni Maranan na masakit marinig na babawiin ang increase gayung halos hindi pa nila nasisimulang maningil ng sampung pisong minimum fare dahil sa kawalan ng matrix.

Umapela si Maranan sa Land Transportation Franchising and Regulatory Commission na isabay na lamang sa bayad sa kanilang pagpaparehistro ang bayad sa matrix upang mapadali ang pagkuha nito.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -