Go signal ni Pangulong Duterte hindi na kailangan hintayin ni Sandra Cam

by Powered by DWIZ
0 comment
Go signal ni Pangulong Duterte hindi na kailangan hintayin ni Sandra Cam

Hindi na kailangan pang hintayin ni PCSO Director Sandra Cam ang go signal ni Pangulong Rodrigo Duterte, para mag-bitiw siya sa pwesto.

Ito ay kaugnay ng naging pahayag ni Cam kung saan hiniling nito sa pangulo na i-relieve na siya bilang direktor ng ahensiya, dahil hindi na niya masikmura ang korapsiyon sa hanay ng PCSO.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, pwede nang mag bitiw sa pwesto si Cam kung talagang hindi na nito maatim ang umano’y katiwalian sa ahensiya.

Matatandaang, inihirit ni Cam na dapat magsawa ng revamp o balasahan sa PCSO, bago pa ito tuluyang lumubog at malugi.

Aniya, umaabot na sa P10 billion ang shortfall sa small town lottery (STL), dahil sa mga hindi nakokolektang pera.

Kaugnay nito, hinamon naman ni Panelo si Cam na magsampa ng reklamo sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC).

—–

Related Posts