DOLE posibleng muling ipatupad sa Kuwait

DOLE posibleng muling ipatupad sa Kuwait

by Powered by DWIZ
0 comment 77 views

Posibleng muling magpatupad ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng deployment ban sa Kuwait, kasunod ng karumal-dumal na pagpatay sa isang Filipina worker.

Ito ay matapos ang kalunos-lunos na sinapit ng Filipina household service worker na si Constancia Dayag, kung saan idineklara itong dead on arrival sa al-Sabah Hospital, matapos magtamo ng mga pasa at bukol habang may nakita pa umanong pipino sa maselang bahagi ng katawan nito

Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, ang pagkamatay ni Dayag ay sa kabila ng pangako ng Kuwaiti government na mas paiigtingin ang proteksiyon sa mga manggagawang Filipino.

Kaugnay nito, nilinaw naman ni Bello na hindi pa pinal at patuloy pa ring pinag-aaralan ng DOLE ang muling pagpapatigil ng pagpapadala ng mga OFWs sa Kuwait.

Samantala, inatasan na naman ni Bello ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na hanapin ang mga ahensiya na nagbigay ng trabaho kay Dayag.

—–
0 comment

Related Posts