Himpilan ng pulisya sa Lapinig Northern Samar sinalakay ng mga NPA
August 10, 2018
Kalahating milyong piso halaga ng shabu nasabat sa Bacolod
August 10, 2018

Chinese national nalunod sa El Nido Palawan

Chinese national nalunod sa El Nido Palawan

Patay ang isang Chinese national makaraang malunod sa El Nido, Palawan.

Kinilala ang biktima na si Sun Xuiyan, 48-anyos at isang nutritionist.

Ayon sa El Nido Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, kasama ng biktima ang kanyang mga kaibigan sa isang island hopping nang malunod ito sa Nacpan Beach.

Sinubukan pa umanong i-revive si Sun ngunit wala na itong pulso at hindi na humihinga.

Nakipag-ugnayan naman na ang lokal na pamahalaan ng El Nido sa Chinese embassy para maipaalam sa mga kaanak ni Sun ang nangyaring trahedya.

—-

 

 

 

Comments are closed.