36.1 C
Manila
Tuesday, April 23, 2024

Himpilan ng pulisya sa Lapinig Northern Samar sinalakay ng mga NPA

- Advertisement -

Sinalakay ng nasa isandaang (100) miyembro ng New People’s Army o NPA ang istasyon ng pulisya sa Lapinig, Northern Samar kaninang madaling araw.

Ayon sa ulat, naka-engkwentro ng anim na naka-duty na pulis ang mga rebelde na armado ng matataas na uri ng armas.

Sugatan sa may 15-minutong bakbakan ang dalawang pulis na kinilalang sina PO2 Jerry Quilecol at PO1 Edizon Aguere.

Patuloy namang iniimbestigahan ang naturang insidente habang dumating na sa istasyon ng Lapinig ang karagdagang puwersa ng pulisya.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -