8 taong giyera sa Syria nagtala ng 370,000 katao nasawi

by Powered by DWIZ
0 comment
8 taong giyera sa Syria nagtala ng 370,000 katao nasawi

Umabot na sa 370,000 katao ang nasawi sa walong taong giyera sa Syria.

Ayon sa Syrian Observatory for Human Rights, kabilang sa mga biktima ng giyera ang may 21,000 mga bata at 13,000 babae.

Umabot naman sa mahigit 100,000 ang nasawi sa panig ng mga sundalo at mga mandirigma na kakampi rin ng pamahalaan ng Syria.

Nagsimula ang giyera sa Syria matapos tapatan rin ng karahasan ng pamahalaan ang mararahas na demonstrador na nagsimula sa syudad ng Daraa.

Dahil sa lawak ng kaguluhan, napilitan na ring pumasok at makialam sa giyera ang mga dayuhang bansa tulad ng Amerika.

Related Posts