1 brgy sa Sarangani, nagmistulang tourist spots dahil sa migratory birds

by RPN News
0 comment
1 brgy sa Sarangani, nagmistulang tourist spots dahil sa migratory birds

GENERAL SANTOS CITY – Nagmistulang tourist spots ang isang barangay sa bayan ng Glan sa lalawigan ng Sarangani dahil sa pagdagsa ng mga migratory birds.

Sinabi ni Rio del Pilar Brgy. Chairman Salvador Boy de Gracia, sumikat ang kanilang barangay kasunod ng unang Raptor Watch Festival na dinadagsa na ng mga turista mula sa mga karatig lugar.

Sa pagdagsa ng mga migratory birds sa lugar nagbigay ang bansang Japan ng nasa 2,500 seedlings sa fruit and endemic trees para sa bird watchers and researchers group.

Kasabay ng Raptor Watch Festival, tinaniman din ang limang ektaryang lupain sa Mount Taltak sa pangunguna sa Environmental Conservation and Protection Center ilalim sa tanggapan ni Gov. Steve Chiongbian Solon.

Related Posts

Leave a Comment