₱3.4M Halaga Ng Shabu Nasamsam Ng Pdea 12 Sa Pamamagitan Ng Buy-Bust Operation

₱3.4M Halaga Ng Shabu Nasamsam Ng Pdea 12 Sa Pamamagitan Ng Buy-Bust Operation

by RPN
0 comment 374 views

Sa pinagsamang pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office 12 at PDEA Cotabato Provincial Office sa pamumuno ni Director Naravy Duquiatan, PDEA BARMM na pinamumunuan ni Director Juvenal Azurin, 34th Infantry Battalion ng Philippine Army, RPDEU 12 at Pigcawayan Municipal Police Station naisagawa ang isang buy-bust operation sa Purok Masagana, South Manuangan, Pigcawayan, Cotabato Province, hanap na alas-6:15 sa buntag, Hulyo 6, 2019.

Naaresto sa operasyon si NARDS UTTO y ADTIS Alyas Datu, lalake, 33 anyos, minyo, mag-uuma og residente sa Libungan Toreta, Pigcawayan, Cotabato Province. Samantala, ang tatlong mga kasamahan ng nahuli ay nakatakas matapis mamataan ang mga otoridad na paparating sa lugar. Nagpaputok pa ang mga ito dahilan para mabasag ang windshield ng is a sa mga sasakyan ng PDEA.

Nasamsam ng mga operatiba mula sa suspek ang 10 sachets ng suspected Methamphetamine hydrochloride o “shabu” na nakalagay sa isang kahon na binalot ng gift wrapper. Ito at may timbang na humigit-kumulang 500 gramo na nagkakahalaga ng nasa 3.4 million pesos, cellular phone at tablet, buy-bust money at isang motorsiklo.

Kinukunsiderang high value target ang mga nakatakas dahil sa laki ng halaga at dami ng I legal na droga na ibenebenta ng mga ito. Konektado din diumano ang mga ito sa mga armed groups na nasa rehiyon. Kabilang ang Cotabato Province, Maguindanao maging sa Sultan Kudarat.

Si Utto at ang tatlo pang nakatakas ay nahaharap sa bayolasyon ng Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

0 comment

Related Posts

Leave a Reply