Kaso laban sa Kapa pormal nang naisampa ng NBI

0
48

Pormal nang naisampa ng NBI o National Bureau of Investigation – National Capital Region ang walong patong ng kasong Estafa laban sa mga opisyal ng Kapa Community Ministries.

Ito’y ayon sa NBI ay matapos makakuha sila ng tatlong iba pang complainant laban sa Kapa nang magbigay ang mga ito ng mahigit kalahating milyong pisong donasyon subalit bigong makakuha ng blessings o return of income.

Kabilang sa mga kinasuhan ng NBI ang founder ng Kapa na si Pastor Joel Apolinario, misis nitong si Reyna na nagsisilbing corporate secretary at 12 iba pang opisyal.

Una rito, naghain ang SEC o Securities and Exchange Commission ng reklamo laban sa Kapa noong Hunyo 18 dahil sa paglabag sa securities regulation code.

(with report from Bert Mozo)