29.8 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Zarate binawi ang boto para sa Better Normal Bill

- Advertisement -

Binawi na ni Bayan Muna Party List Representative Carlos Zarate ang kanyang boto sa Better Normal Bill.

Ito ay matapos na sumulat ni Zarate kay House Speaker Alan Peter Cayetano para pormal na bawiin ang kaniyang boto sa House Bill 6864 o ang better normal for the workplace, communities ang public spaces act of 2020 na inaprubahan na ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa.

Sinabi ni Zarate, ito ay matapos ang masusing pag-aaral kung saan kanilang natuklasan na hindi akma sa prinsipyo ng kanilang grupo ang naturang panukala.

Tinukoy ni Zarate ang section 6 sa naturang panukala na naglilimita sa publiko para sa public gatherings.

Sa ilalim ng panukala, nakasaad na hangga’t may banta ng COVID-19 ay obligado ang publiko na sumunod sa minimum health standards, kagaya ng pagsusuot ng face masks, pagsunod sa social distancing at temperature checks tuwing nasa pampublikong lugar.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -