Ang joint intelligence-driven na law enforcement operation ay nagresulta sa pagkakaaresto sa isang Top 6 Most Wanted Person sa Provincial Level at Top 3 Most Wanted Person sa Municipal level para sa krimen ng Statutory Rape sa Sitio Mialim, Barangay Vitali, Zamboanga City.
Matagumpay na nahuli ng mga tauhan ng Zamboanga City Police Station 1 sa koordinasyon ng City Intelligence and Detective Management Unit- Special Intelligence Unit ng Zamboanga City Police Office, ang isang tatlong pu’t tatlo (33) na taong gulang na lalaking trabahador at residente ng Barangay Licomo, Zamboanga City.
Ang pag-aresto ay ginawa sa bisa ng warrant na inisyu ng Family Court, Branch 7, Zamboanga City, para sa apat na bilang ng Statutory Rape of the Revised Penal Code na inisyu noong Oktubre 28, 2025, ang akusado ay nasa ilalim na ngayon ng ZCPS1 para sa tamang disposisyon at legal na paglilitis.
Pinuri naman ni Police Brigadier General Dennis A. Esguerra, Officer-in-Charge ng Police Regional Office 9, ang operating units para sa matagumpay na pagdakip sa wanted person.(Algie Rojas)
Source: ZCPS 1
