Ipinagdiriwang ng Social Security Sysytem (SSS) ang ika-69 na Anibersaryo nito sa pamamagitan ng iba’t ibang aktibidad sa buong bansa, kabilang ang Members’ Day sa SSS Zamboanga Branch. Nagbigay ang pagdiriwang ng pagkakataon sa mga miyembro na mas matuto tungkol sa SSS, Masiyahan sa mga aktibidad, at makisaya, kung saan ang mga masuwerteng kalahok sa Q&A activity ay nakatanggap ng mga espesyal na regalo.
Nagpapasalamat ang Branch sa Unilab Laboratories, NRW Marketing, Philippine Statisctics Authority (PSA), DMI Medical Supply-G, Nutraceutical Corporation, at Outreach Optical Clinic sa kanilang suporta sa pamamagitan ng mga libreng regalo, serbisyong medikal, at serbisyo sa Civil Registrarion. Malaki ang naitulong nitong suporta upang gawing mas makabuluhan at masaya ang pagdiriwang para sa mga miyembro ng (SSS). (Algie Rojas)
