Kamakailan ay nakipagpulong si Mayor Khymer Olaso kay Trade Assistant Dr. Brian Jay Ambulo sa Philippine Trade and Investment Center (PTIC) sa Los Angeles, California, upang talakayin ang posibilidad ng pagtulong sa mga micro, small, at medium enterprises (MSMEs) ng lungsod sa pamamagitan ng pag-e-export ng mga produktong gawa rito.
Nakatuon ang talakayan sa mga produktong may mataas na demand sa merkado ng U.S. partikular na ang Ube, Calamansi, Saging, Niyog, at Kakaw at kung paano matutulungan ng Zamboanga City ang mga lokal na negosyante na makapasok sa mga mercado o oportunidad para sa export.
Nangako ang opisyal ng PTIC na tutulong sa pagtataguyod sa mga MSME ng pilipinas, lalo na ang mga mula sa Zamboanga City, upang makapasok sa merkado ng U.S.
Kaugnay nito, kasalukuyang nagtatayo ang PTIC-Department of Trade and Industry (PTIC-DTI) LA station ng isang nakalaang display center kung saan malapit nang itampok ang mga produkto mula sa Zamboanga. (Algie Rojas)
Source: City Tourism Office.
