Zamboanga: P20.4 milyong halaga ng shabu nasamsam sa Sulu

0
2

Nasamsam ng mga magkasanib na agent ng Philippine Drug Enforcement Agency at mga pulis ang P20.4 million na halaga ng shabu na ihahatid sana sa bayan ng Luuk sa probinsya ng Sulu nitong Sabado, April 8, 2023.

Dala-dala ang naturang shabu ng isang kilalang drug dealer, si Almando Insali, taga Zamboanga City, na haharangin sana ng mga operatiba ng pamahalaan habang papunta sa isang contact sa sentro ng Luuk ngunit nakahalata at agad na tumalilis.

Itinapon ni Insali, habang tumakbo palayo, ang bag na may lamang mahigit sa dalawang kilong shabu na agad namang nakumpiska ng mga magkasanib na mga agent ng PDEA at mga kasapi ng ibat-ibang unit ng Sulu provincial police, ng Philippine Coast Guard, ng Criminal Investigation and Detection Group at ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region.

Ayon kay Christian Frivaldo, director ng PDEA-Bangsamoro Autonomous Region, isinagawa ang tangkang pag-aresto kay Insali batay sa ulat ng mga nakakaalam ng kanyang planong paghatid ng P20.4 million na halaga ng shabu sa Luuk.

Pinaghahanap na ang nakatakas na si Insali ng mga pulis at mga sundalong naka-base sa Luuk.

(Source: PDEA BARMM)

Leave a Reply