ZAMBOANGA: NAGSAGAWA ANG (DOE) AT PAMAHALAANG LUNGSOD NG MAGKATUWANG NA INSPEKSYON SA MGA ESTABLISIMYENTO NG LPG

0
6

Nagsagawa ng magkatuwang na inspeksyon at pagpapatupad ng batas ang mga kinatawan mula sa Department of Energy (DOE) na nakabase sa Davao at mga kinauukulang tanggapan ng pamahalaang lungsod upang suriin ang pagsunod ng mga kalahok sa industriya ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) sa lungsod.

Layunin ng aktibidad na tiyakin ang pagsunod sa RA 11592 o ang *Liquefied Petroleum Gas Industry Regulation Act* isang pangunahing mandato ng DOE na may pakikilahok ng mga lokal na pamahalaan at lalo pang pinagtibay sa ilalim ng DILG Memorandum Circular No. 2025-001.

Binuo ang dalawang grupo upang ikutin ang iba’t ibang establisimyento at *dealer* ng LPG sa lungsod at beripikahin ang mga sumusunod: mga establisimyento at *dealer* na nag-o-operate nang walang wastong *Licence to Operate* (LTO) mula sa DOE; mga indibidwal o entidad na nagsasagawa ng hindi awtorisadong pag-refill, paghawak, pag-iimbak, pagbiyahe, at pagbebenta ng mga produktong LPG; mga establisimyentong sangkot sa ilegal na pag-refill at pagbebenta ng mga *butane fuel canister*; mga *player* sa industriya ng LPG na pinaghihinalaang lumalabag sa mga kinakailangan sa kaligtasan, proteksyon sa ilalim ng RA-11592 at mga *Implementing Rules and Regulations* nito; at iba pang entidad na sangkot sa mga ilegal na aktibidad na may kaugnayan sa LPG na maaaring magdulot ng panganib sa kaligtasan ng publiko at kapakanan ng mga mamimili. Kabilang sa mga lumahok sa inspeksyon ang Business Permits and Licensing Office (BPLO), City Treasurer’s Office (CTO), City Legal Office, Public Safety Office, Bureau of Fire Protection, at iba pang kinauukulang ahensya.

Bago ang inspeksyon, nakipagpulong ang grupo ng DOE kay Mayor Khymer Olaso, kay Chief of Staff at Secretary to the Mayor na si Celso Lobregat, at sa iba pang mga pinuno ng mga departamento ng lungsod. (Algie Rojas)

Source: City Government of Zamboanga.

Leave a Reply