May kabuuang 1, 963 na mga mag-aaral mula sa Don Gregorio Evangelista Memorial School (DON GEMS) sa Barangay Sta. Catalina ang tumanggap ng educational assistance mula sa pamahalaang lungsod alinsunod sa Ordinance number na 908.
Naglaan ang pamahalaang lungsod ng kabuuang halagang 1.963 Million pesos para sa pamamahaging pinangasiwaan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), katuwang and Department of Education (DepEd).
Tumanggap ang bawat benepisyaryo ng 1,000 pesos binubuo ito ng 500 pesos para sa allowance sa School Supplies at 500 pesos para naman sa allowance sa uniporme.
Kabilang sa mga benepisyaryo ang mga mag-aaral mula sa Kindergarten (383), Grade 1 (400), Grade 2 (393), Grade 3 (419), at Grade 6 (368). Ang naturang pamamahagi ay bahagi ng serye ng mga aktibidad sa pagbibigay ng tulong na isinasagawa ng CSWDO para sa mga mag-aaral sa K-12.
Nakatakda namang simulan sa darating na buwan ng Setyembre ang pamamahagi ng educational assistance para sa mga mag-aaral sa Unibersidad at State Colleges. (Algie Rojas)
Source: City Government of Zamboanga.
