Lumahok ang mga mag-aaral at guro sa Catalina Viuda de Jalon Memorial School sa Barangay Tumaga sa isang simulation exercise (SIMEX) noong biyernes ng hapon Agosto 21, upang palakasin ang kahandaan para sa kaligtasan sa loob ng paaralan.
Sa kabila ng pagiging holliday, layunin ng aktibidad na patatagin ang kahandaan at kamalayan ng komunidad ng paaralan kasunod ng kamakailang insidente ng pamamaril na kinasasangkutan ng mga menor de edad sa isa sa mga kilalang unibersidad sa lungsod.
Nakilahok si Mayor Khymer Olaso sa pagsasanay at pinaalalahanan ang mga mag-aaral tungkol sa kahalagahan ng pananatiling alerto at pag alam kung paano tumugon sa mga panahon ng sakuna.
Ang SIMEX, na nagsimula bandang Alas 2:30 ng hapon, ay inorganisa ng Zamboanga City Police Office (ZCPO) katuwang ang City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO).
Nagpahayag ng pasasalamat si Barangay Chairperson Jacky Lim at ng Catalina Viuda de Jalon Memorial School Principal Dr. Julieta Besas sa suporta ng pamahalaang lungsod sa pagpapalakas ng kaligtasan at kahandaan sa paaralan. (Algie Rojas)
Source: City Government of Zamboanga.
