ZAMBOANGA: MGA MAG-AARAL NG CHONG HUA, NAG-UWI NG PANDAIGDIGANG KARANGALAN SA AKADEMYA PARA SA ZAMBOANGA CITY

0
7

Anim na mga mag-aaral mula sa Zamboanga Chong Hua High School ang nagdala ng karangalan sa akademya para sa lungsod matapos magwagi ng maraming medalya sa International Cube Challenge 2026 sa Macau. Dahil dito, kinilala ni Mayor Khymer Olaso ang kanilang natatanging tagumpay sa seremonya ng pagtataas ng watawat sa City Hall noong Lunes, Agosto 03.

Binati ni Mayor Olaso ang mga batang nagtagumpay, na may edad 7 hanggang 11, sa pagbibigay ng dangal sa Zamboanga City at sa Pilipinas sa pamamagitan ng kanilang kahanga-hangang pagganap sa Internasyonal na kompetisyon. Dinaluhan ito ng mga kalahok mula sa 13 bansa: Cambodia, Malaysia, Thailand, China, Taiwan, Singapore, Myanmar, Azerbaijan, Jordan, Vietnam, Hong Kong, Macau, at Pilipinas.

Sa pakikipagkumpitensya sa Mathematics, Science, ay English, nakalikom ang anim na mag-aaral ng kabuuang 18 medalya na binubuo ng pitong ginto, apat na pilak, at pitong tanso. Ang kanilang natatanging husay ay nakatulong din upang tanghaling overall champion ang delegasyon ng pilipinas sa gitna ng 13 bansang kalahok.

Nagpamalas din ng kahusayan ang mga mag-aaral sa International Math Panda Competition, kung saan nakakuha sila ng dalawang ginto, tatlong pilak, at isang tansong medalya sa kategoryang Math Pride. Bukod dito, isang mag-aaral ang nagwagi ng tansong medalya sa indibidwal na kategorya ng Pan-Asia Pacific International Mathematics Competition, habang ang koponan ng Pilipinas naman ay nakakuha ng pwestong first runner-up sa team category. (Algie Rojas)

Leave a Reply