ZAMBOANGA: MAYOR KHYMER OLASO NAGPATAWAG NG PRESSCON KAUGNAY SA NANGYARING PANANAKSAK SA LOOB NG CABALUAY NATIONAL HIGH SCHOOL

0
0

Nagpatawag ng presscon kahapon si Mayor Khymer Olaso sa mga Media ng Zamboanga City kaugnay sa nangyaring pananaksak sa loob ng Cabaluay National High School sa Barangay Cabaluay Zamboanga City.

Ayon sa Alkalde nag-ugat ang naturang pangyayari dahil sa insidente ng Bullying kung saan ang dalawang biktimang menor de edad ay Binubully ang kanilang kaklase na si “JOSE” hindi tunay na pangalan. Ayon rin sa Imbestigasyon ng mga pulis matagal na umano siyang binubully ng dalawang biktima. Ilang araw bago ang insidente ay pinipilit umano siyang gumamit ng Marijuana at binantaan na sasaktan kapag tumanggi, dahil dito nagpasya si “JOSE” na magdala ng patalim pagpasok sa paaralan.

Bandang alas nueve ng umaga noong Hulyo 01 habang sa kalagitnaan ng Recess, muli umanong nilapitan at sinaktan ng dalawang biktima si “JOSE” na nauwi sa pananaksak. Nagtamo ng sugat ang dalawang 17 anyos na mga biktimang menor de edad at agad na dinala sa pinakamalapit na ospital. Sa ngayon ay patuloy parin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga kapulisan sa naturang pangyayari. Pinapalalahanan ni Mayor Khymer Olaso sa mga magulang at guro na laging gabayan ng mahigi at kausapin ang mga bata kung may problema silang pinagdadaanan.

Ang Barangay Council ng Cabaluay ay nagsagawa ngayon ng inspeksyon sa mga estudyante na pumapasok at lalabas sa mga paaralan ng Elementarya at Secondarya sa kanilang Barangay. (Algie Rojas)

Leave a Reply