Sunday, May 5, 2024

Zamboanga: Lineman Ng Telecom Company, Nakuryente At Nahulog

- Advertisement -

Nasa critical ang condisyon ng isang lineman ng local telecommunication company pagkatapos makuriente at mahulog sa labing limang talampakan na poste ng kuriente sa may Maria Clara Lobregat Highway, Barangay Putik, lungsod ng Zamboanga kaninang umaga, Oktubre 14, 2021.

Ang biktima ay nakilala si John Carlo Failanga, 22 taong gulang, binata, taga Basilan Province at sakalukuyang nanunuluyan sa Barangay San Jose Cawa-Cawa, nitong ciudad.

Bases sa imbestigasyon ng local na kapulisan ng Zamboanga ang biktima ay umakyat ng poste para konektahin ang linya ng telephone ng Philippine Long Distance Company o PLDT subalit nahawakan niya ang live na kuriente.

Ayon sa mga nakakita sa pangyayari, narinig nila na may bumagsak sa kanilang atip pagkatapos nakita na lang nila ang biktima naka handusay.

Biglang tinulungan ng mga kasamahan ang biktima at dila siya sa malapit na hospital para sa madaliang panggagamot.

Sa pahayag ng lokal na kapulisan ay nasa mabuting kalagayan na si John Carlo habang naka confine sa ospital.  (Photo and video courtesy by Regino Delos Santos)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img