ZAMBOANGA: ISINUSULONG NG ZAMBOANGA CITY POLICE OFFICE (ZCPO) ANG PAGLALAPIT NG SERBISYO NG PULISYA SA MGA KOMUNIDAD NG SACOL ISLAND

0
8

Pinangunahan ni PLTCOL MENDEL S. CASAO, Deputy City Director for Administration (DCDA), ang isang pagpupulong hinggil sa panukalang pagtatatag ng Zamboanga City Police Station 15 sa Sacol Island. Personal na dinaluhan ang pagpupulong nina PMAJ RENE D. CENIZA, OIC ng City Plans and Programs Unit; PMAJ ALBERT C. ALFARO ng CARMU; PLT ROLANDO DELGADO, Supply Officer; at PMAJ MOHAMARR MARIWA, Station Commander ng Zamboanga City Police Station 4-Culianan, lumahok din sa birtwal ang mga kawani ng rehiyon at mga kinatawan mula sa Regional Engineering Unit, Regional Plans and Strategic Management Division, at City Engineer’s Office.

Nananatiling tapat ang Zamboanga City Police Office (ZCPO) sa paghahatid sa komunidad ng mga mahahalagang benepisyo, kaginhawaan, at madaling akses sa seguridad ng pulisya gayundin sa mga serbisyong pang-emerhensya. (Algie Rojas)

Source: PNP Zamboanga City Police Office.

LEAVE A REPLY