ZAMBOANGA: HUMINGI NG PAGLILINAW SI MAYOR KHYMER OLASO SA ZAMCELCO UKOL SA PAGTAAS NG SINGIL SA KURYENTE

0
24

Dahil sa dumaraming reklamo tungkol sa mas mataas na singil sa kuryente, ipinatawag ni Mayor Khymer Olaso ang mga opisyal ng Zamboanga City Electric Cooperative (ZAMCELCO) noong gabi ng Miyerkules, Setyembre 02, upang humingi ng mga sagot at linawin ang mga dahilan sa likod ng pagtaas.

Sa isang briefing na ginanap sa Zamboanga City Hall Conference Room sinabi ni ZAMCELCO Chief Management Officer Atty. Rommel Agan na ang mas mataas na singil sa mga rate ng kuryente; binanggit niya ang kombinasyon ng pagtaas ng gastos sa suplay ng kuryente, mas mataas na konsumo, at mga *system loss.*

Tinukoy ni Agan ang mas mataas na presyo ng *coal* (na iniugnay niya sa tensyon sa Middle East), pati na rin ang pagtaas ng konsumo sa kuryente sa mga panahong mataas ang *index* at ang pagnanakaw ng kuryente (*power pilferage*), bilang mga salik na nakaapekto sa mga gastusin ng ZAMCELCO.

Ipinaliwanag din ng isang miyembro ng Board ng ZAMCELCO na nakaranas ng problema ang isa sa mga *supplier* ng kooperatiba matapos ang lindol noong Hunyo 2026, kaya napilitan ang ZAMCELCO na kumuha ng kuryente mula sa mga alternatibong *supplier* sa mataas na halaga.

Natukoy sa briefing na ang *generation charge* ang pinakamalaking bahagi ng *residential retail rate* na bumubuo sa humigit kumulang na 62 % ng kabuuang singil sa kuryente. Ipinakita sa mga datos ng ZAMCELCO na tumaas ang *generation charge* mula 7.6742 kada kilowatt-hour noong Hulyo patungong 8. 1681 kada kilowatt-hour noong Agosto isang pagtaas na 0.4939 kada kilowatt-hour.

Upang mabawasan ang epekto ng mas mataas na gastos sa *generation,* humingi ang ZAMCELCO ng pahintulot mula sa Energy Regulatory Commission (ERC) na hati-hatiin o i-*stagger* ang paniningil ng *adjustment* mula sa Hulyo hanggang Setyembre.

Sa ilalim ng kaayusang inilahad sa briefing, 60 % ng *adjustment* ang siningil noong Hulyo, habang tig-20% naman ang inalaan para sa Agosto at Setyembre. Sinabi ng mga opisyal ng ZAMCELCO na inaprubahan ng ERC ang nasabing kaayusan.

Ang naturang talakayan ay na i*stream* sa Live official FB page ni Mayor Khymer Olaso, ay nagbigay-daan upang matugunan ng alkalde at ng mga opisyal ng ZAMCELCO ang mga hinaing ng mga konsyumer ukol sa mas mataas na singil. Habang patuloy na nakakatanggap ng mga reklamo ang lokal na pamahalaan. Inatasan ng alkalde ang mga konsumidor na may mga hinaing tungkol sa kanilang mga bayarin na dalhin sa City Hall ang kanilang mga resibo ng kuryente para sa nakalipas na tatlong buwan.

Dadalhin nila ang mga recibo sa ZAMCELCO upang suriin at linawin ang mga singil na nakatala sa mga indibidwal na bill ng mga konsumidor.

Inatasan din ni Mayor Olaso si Konsehal Joselito “Litlit” Macrohon na magsagawa ng benchmarking activity na kinasasangkutan ng mga electric cooperative sa ibang mga lugar na may mas mababang singil sa kuryente. Ang benchmarking ay magbibigay sa pamunuan ng lungsod ng batayan upang maihambing ang mga gastusin sa kuryente at mapag-aralan ang mga posibleng hakbang upang matugunan ang mga hinaing ukol sa singil sa kuryente sa Zamboanga City. (Algie Rojas)

Source: City Government of Zamboanga

LEAVE A REPLY