Nasungkit ng Zamboangueñang si Ma. Georgina Conception Sumaje ang titulo ng kampeon sa kategoryang Female 9-10 sa RLC Residences Ironkids Lapu-Lapu 2026 na ginanap kamakailan sa Dusit Thani Mactan Resort.
Si Sumaje ay isa sa halos 700 atletang lumahok sa multisport event na inorganisa ng Sunrise Events, Inc. at itinaguyod ng RLC Residences. Naitala niya ang oras na 00:12:46 sa kompetisyon, kung saan tinalo niya ang iba pang mga atleta sa kanyang kategorya.
Ang nasabing event, na bukas sa mga batang may edad 6-15, ay ang lokal na junior version ng international triathlon series na Ironman. Ang triathlon ay isang karerang binubuo ng tatlong uri ng palakasan: pagtakbo, paglangoy, at pagbibisikleta. Bukas ang kompetisyon sa mga batang baguhan pa lamang sa isport at sa mga nakasali na sa iba pang mga triathlon event. (Algie Rojas)
Source: Dr. Cecil Atilano/ City Sports Division Office.
