Saturday, May 18, 2024

Yellow at red alert iiral pa rin sa Luzon grid ngayong maghapon

- Advertisement -

Iiral pa rin ngayong maghapon ang yellow at red alert sa Luzon grid bunsod pa rin ng manipis na reserba ng kuryente.

Batay sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines, nasa 10,707megawatts ang kasalukuyang available capacity sa Luzon habang aabot naman sa 10,534megawatts ang peak demand.

Dahil dito, itinaas ang yellow alert mula alas-8 ng umaga hanggang alas-10 ng    umaga… alas -5 ng hapon hanggang alas-6 ng gabi at alas-9 hanggang alas-11 ng gabi.

Ang red alert naman ay mula alas-10 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon at ala-6   hanggang alas-9 ng gabi.

Matatandaang kahapon, nagpatupad ng rotational brownout ang Meralco at NGCP sa ilang bahagi ng Luzon at Metro Manila dahil sa manipis na reserba ng kuryente.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -