Pagbaba ng presyo ng kopra ibinabala

0
78

Ibinabala ng United Coconut Associations of the Philippines (UCAP) ang posibleng pagbaba pa ng presyo ng kopra sa bansa.

Ito ay kasunod ng pagbaba sa inaasahang presyo ng coconut oil sa buong mundo dahil sa sobrang suplay ng mga vegetable oil.

Batay sa forecast ng World Bank, posibleng bumaba sa $720 kada metric ton ang average price ng coconut oil ngayong taon.

May mababa ito ng 27.78% sa naitalang average price na $997 kada metric ton noong nakaraang taon.

Maliban sa presyo, sinabi ng UCAP na makakaapekto rin ito sa pag-export ng mga coconut oil product ng Pilipinas.