Yellow alert sa Luzon grid muling itinaas

0
44

Muling isinailalim sa yellow alert ang luzon grid dahil sa manipis na reserba ng kuryente.

Ayon sa NGCP o National Grid Coportation of the Philippines, epetibo ang yellow alert mula alas 9:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon at muli mamayang alas 6:00 ng gabi hanggang alas 10:00 ng gabi.

Ipinabatid ng NGCP na masyadong manipis ang available capacity ng mga planta kung saan aabot lamang ito sa 10,638 megawatts habang nasa 9,989 megawatts naman ang peak demand.

Kaugnay nito, patuloy naman ang apela ng NGCP sa publiko na magtipid sa paggamit ng kuryente upang maiwasan ang power interruptions partikular na sa Metro Manila.