NWRB pinayuhan ang publiko na magtipid ng 4 litrong tubig kada araw

0
57

Pinayuhan ng NWRB o National Water Resources Board ang publiko na magtipid ng apat na litrong tubig kada araw.

Ito ay kaugnay ng inaasahang pag-bagsak ng lebel ng tubig sa Angat Dam ngayong linggo.

Ayon kay NWRB Executive Dir. Sevillo David, pumalo na 180.73 meters ang antas ng tubig sa Angat Dam kung saan ay ilang sentimetro na lamang bago ito bumagsak sa 180 meters na critical water level.

Paliwanag ni David, nasa mahigit 12 milyong konsyumer ang sinusuplayan ng Angat Dam kaya’t kung magtitipid ang mga konsyumer ng ilang litrong tubig kada araw ay posible aniyang maisalba ang mahigit 50 milyong litro ng tubig.

Kaugnay nito, pinangangambahan rin naman na bumagsak pa sa 170 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam ngayong Mayo dahil sa patuloy na nararanasang tag-tuyot.