Xiamen Air nangakong sasagutin ang mga gastos matapos ang naging aberya sa NAIA

0
64

Nangako ang Xiamen Air na sasagutin ang lahat ng naging gastos sa nangyaring aberya sa isang eroplano na naging dahilan ng pagkadelay at pagkansela sa maraming flight sa NAIA.

Kasabay nito, humingi ng paumanhin ang Xiamen sa mga naabalang pasahero at nagsabing hindi sila nagpabaya sa pagtugon sa pangangailangan ng mga naistranded tulad ng pagbibigay ng tubig at pagkain.

Handa naman ang kumpanya humarap at makipagtulungan sa ginagawang imbestigasyon ng Civil Aviation Authority of the Philippines at Civil Aviation Administration of China sa naturang insidente.

Sa pagtaya ng MIAA, nasa 15 milyong piso ang inisyal na kailangang bayaran ng Xiamen para pa lamang sa crane at mga tauhan na nagtanggal ng sumadsad na eroplano.