33.2 C
Manila
Monday, April 15, 2024

Dating CJ Sereno at dating DILG Sec. Roxas malaking asset kung tatakbong senador — Trillanes

- Advertisement -

Nakareserba na ang slot nina Dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno at Dating DILG Secretary Mar Roxas sa oposisyon sa pagkasenador sa 2019 elections.

Ayon kay Senador Antonio Trillanes, malaking asset kung tatakbo at magiging oposisyon si Roxas at Sereno sa Senado.

Bagama’t kanyang itinutulak na tumakbo ang dalawa, naniniwala si Trillanes na dapat na bigyan ng sapat na panahon ang dalawa para makapag isip at mapagdesisyunan na ang paglahok sa darating na eleksyon.

Kabilang sa ilan pang mga pinagpipilian para mapabilang sa senatorial slate ng oposisyon ay sina Incumbent Senator Bam Aquino, Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano, Dating Quezon City Rep. Erin Tanada, Human Rights Lawyer Chel Diokno, Barry Gutierrez, at ang singer – actress na si Agot Isidro.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -