Tuesday, May 7, 2024

World Dream cruise ship nakatakdang bumalik ng HK mamayang gabi —PCG

- Advertisement -

Nakatakda nang umalis ng bansa at bumalik ng Hong Kong ang cruise ship na  na nasa Subic Bay Freeport, mamayang ala-6 ng gabi.

Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson Captain Armand Balilo, bagamat cleared sa novel coronarivus (nCoV) ang nasa 778 turista lulan ng naturang barko ay napagpasyahan ng pamunuan ng cruise ship na bumalik na lamang ito sa Hong Kong.

Aniya, bukod sa inaasahang pag-alis mamaya o bukas ng umaga ng isa pang cargo vessel mula sa China, ay wala nang inaasahang entry ang PCG ng mga panibagong barko mula sa China.

Samantala, tiniyak naman ni Balilo na tuwing may maglalayag na barko mula sa ibang bansa ay nakikipagtulungan agad sila sa Quarantine, Bureau of Customs at Immigration upang matiyak ang kalusugan ng mga ito bago bumaba ng bansa.

Meron naman itong mga sinusunod na procedures pagdating sa health condition nila, maging sa safety ng barko, sa Immigration at maging sa Customs,” ani Balilo. —sa panayam ng Ratsada Balita

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img