Labi ni Kobe Bryant nakilala na ng mga otoridad

0
26

Nakilala na ng mga otoridad ang labi ni NBA Legend Kobe Bryant bilang isa sa mga nasawi sa pagbagsak ng helicopter sa Calabasas sa Los Angeles, California.

Natukoy ng mga otoridad ang labi ni Bryant sa pamamagitan nang pagsusuri sa fingerprints nito.

Bukod kay Bryant, tatlo pang labi ang natukoy na rin ang pagkakakilanlan at kinabibilangan ito nina Ara Zobayan, piloto ng helicopter; baseball coach John Altobelli; at si Sarah Chester.

Sinabi ng Los Angeles County Sheriff Department na patuloy pang kinikilala ang limang iba pang nasawi sa nadisgrasyang chopper.

Magugunitang ipinabatid ng National Transportation Safety Board (NTSB) na mag-a-alas-12 ng tanghali (pacific time) o mag-a-alas-4 kaninang umaga, oras sa Pilipinas, nang makita ng mga imbestigador ang lahat ng mga labi sa crash site.