Friday, May 10, 2024

White sand area sa Manila Bay dinagsa

- Advertisement -

Dinagsa ng publiko ang kontrobersyal na white sand area ng Manila Bay ngayong araw.

Ito’y makaraang buksan ito ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) kaalinsabay ng pagdiriwang ng International Coastal Cleanup Week.

Halos hindi mahulugang karayom ang pila ng mga nagnanais kumuha ng souvenier mula sa magandang tanawing hatid ng white sand area .

Gayunman, hindi na nasusunod ang physical distancing dulot na rin ng posibleng banta ng coronwavirus disease 2019 (COVID-19).

Hanggang ngayong araw na lamang bukas ang bahaging iyon ng Manila Bay at muli itong isasara para ipagpatuloy ang ginagawang pagtatambak ng dinurog na dolomite sand sa nalalabing bahagi ng pampang.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -