Water level sa Angat Dam patuloy na mino-monitor

0
52

Patuloy na mino-monitor ng National Water Resources Board o NWRB ang lebel ng tubig sa Angat Dam sa Norzagaray, Bulacan sa gitna ng inaasahang kakulangan ng ulan hanggang Hunyo.

Sa pinaka-huling monitoring ng NWRB,  nasa normal level na 202.3 meters ang lebel ng tubig  sa Angat o malayo pa sa critical level na 180 meters.

Ang naturang dam ang pangunahing pinagkukunan ng tubig ng Metro Manila.

Ayon kay NWRB Executive Director, Dr. Sevillo David Jr, posibleng magpatupad sila ng adjustment sa water allocation sa oras na ideklara na ng PAGASA ang pagsisimula ng tag-init.

Magugunitang nagpatupad ng supply adjustment ang Manila Water sa ilang lugar sa east zone   bunsod ng implementasyon ng kanilang El Niño water supply contingency plan simula noong kahapon.