CPP Founder Joma Sison itinanggi ang akusasyong komunista ang grupong ACT

0
51

Iginiit ni Communist Party of the Philippines o CPP Founding Chairman Jose Maria Sison na hindi komunista o walang kaugnayan sa kanila ang grupong Alliance of Concerned Teachers o ACT.

Taliwas ito sa akusayon ni Philippine National Police Chief, General Oscar Albayalde na ginagamit na legal front ng komunistang grupo ang ACT.

Ayon kay Sison, ginagamit lamang ang kanyang pangalan ni Albayalde sa gitna ng anti communist campaign ng gobyerno.

Maaari anyang iba ang pagkakaintindi ng chief PNP sa tatlong dekadang video ng kanyang speech sa Brussels, Belgium kung saan kanyang tinukoy ang kaibahan ng legal democratic forces at armed revolution forces.

Dagdag pa ni Joma, bahagi na ng hakbang ng rehimeng Duterte na guluhin at buwagin ang puwersa ng oposisyon.